Saturday, May 2, 2009

Ang maagang pangangampanya ng mga putek na pulitikong pinoy!

Nakakainis itong mga pulitikong ang aga-aga pa lang e nangangampanya na... Ang galing pang magsabing maganda ang mga plano nila sa bansa... Ang galing nilang magsalita na ayaw nila sa mga taong mandaraya pero hindi bat pandaraya din itong ginagawa nilang maagang pangangampanya?

Sabihin na nating wala nga silang sinasabing nangangampanya sila on tv and even on radio, pero halatang halata naman na ito na nga ang kanilang ginagawa.

Hay naku, wala na ngang makukuhang magagandang asal ang mga kabataan sa mga mas nakakatandang mga liders ng bansa...

Eh dito nga sa Davao, may mga kapitan ng barangay na inuudyukan ang mga sk officers na dayain ang presyo ng mga proyekto nila tulad ng pagbibili ng mga computers... Ang nakalagay eh bagong computer pero ang binili, mga surplus na halata namang mura.

Kaya ang bansa lang natin ang kawawa... Ang mga kabataan na dapat sanang makakuha ng magandang halimbawa sa mga nakakatanda eh natuto na ring mandaya.

Nakakasuka na talaga ang mga liders ng ating bansa! Nakakahiya! Ang aga-aga pa e nangangampanya kayo! Mahiya naman kayo!! Wala na kayong ginawang tama! Ginagawa nyong BOBO ang taumbayan!

Grrrr... Galit na ako!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home