WELCOME TO ROCKIEDEE's WORLD
ROCKIEDEE DAVAO CITY PHILIPPINES 8000
Thursday, May 21, 2009
Saturday, May 16, 2009
What's with Angels & Demons?
Hmmm I am not really a good movie critic. Pero ang mga contacts ko sa facebook puro ANGELS and Demons na movie ang pinag-uusapan.
Yeah, showing na nga sa mga sinehan dito sa pinas ang pelikula ni Tom Hanks na bida rin ng sikat na pelikulang Da Vinci Code. And sa first day pa lang ng showing, nakow SOLD OUT na?!
People these days are getting gaga over it... Sobrang haba ng pila sa sinehan and just like DaVinci Code which by the way napanood ko sa Alabang Town Center, tiba na naman sa takilya.
Now what's with the movie ba na sobrang patok sa takilya knowing na majority ng mga pinoy e mga catholics? And to think most viewers are catholics din.
Here is the synopsis of the movie:
When Robert Langdon discovers evidence of the resurgence of an ancient secret brotherhood known as the Illuminati -- the most powerful underground organization in history -- he also faces a deadly threat to the existence of the secret organization's most despised enemy: the Catholic Church.
When Langdon learns that the clock is ticking on an unstoppable Illuminati time bomb, he jets to Rome, where he joins forces with Vittoria Vetra, a beautiful and enigmatic Italian scientist. Embarking on a nonstop hunt through sealed crypts, dangerous catacombs, deserted cathedrals and even to the heart of the most secretive vault on earth, Langdon and Vetra will follow a 400-year-old trail of ancient symbols that mark the Vatican's only hope for survival.
RUNNING TIME : 2 hrs and 18 minutes.
FILMING LOCATIONS: Europe
Labels: movie
Friday, May 8, 2009
I will conquer Davao Del Norte Today and Tomorrow!
Hahay! laag na pud ko ani mga miga ug migu... Adtu na pud ko sa laing dapit and TODAY, im OFF for Sto. TOmas Davao del Norte... The show will start at 6pm with EUPHONIC Band...
Tomorrow, adtu na pud mig Tagum City...
Hehehe Whatta Lyf!
See ya around!
Saturday, May 2, 2009
Ang maagang pangangampanya ng mga putek na pulitikong pinoy!
Nakakainis itong mga pulitikong ang aga-aga pa lang e nangangampanya na... Ang galing pang magsabing maganda ang mga plano nila sa bansa... Ang galing nilang magsalita na ayaw nila sa mga taong mandaraya pero hindi bat pandaraya din itong ginagawa nilang maagang pangangampanya?
Sabihin na nating wala nga silang sinasabing nangangampanya sila on tv and even on radio, pero halatang halata naman na ito na nga ang kanilang ginagawa.
Hay naku, wala na ngang makukuhang magagandang asal ang mga kabataan sa mga mas nakakatandang mga liders ng bansa...
Eh dito nga sa Davao, may mga kapitan ng barangay na inuudyukan ang mga sk officers na dayain ang presyo ng mga proyekto nila tulad ng pagbibili ng mga computers... Ang nakalagay eh bagong computer pero ang binili, mga surplus na halata namang mura.
Kaya ang bansa lang natin ang kawawa... Ang mga kabataan na dapat sanang makakuha ng magandang halimbawa sa mga nakakatanda eh natuto na ring mandaya.
Nakakasuka na talaga ang mga liders ng ating bansa! Nakakahiya! Ang aga-aga pa e nangangampanya kayo! Mahiya naman kayo!! Wala na kayong ginawang tama! Ginagawa nyong BOBO ang taumbayan!
Grrrr... Galit na ako!