Monday, November 26, 2007

ANG PAGBABALIK KO SA RADYO

Matapos ang halos isang linggong pamamahinga, im here back again sa aking work... Mahirap pa ring gumising sa umaga honestly, pero tiniis ko yung sakit ng katawan ko lalo na sa likud na siyang apektado ng virus, para lang makapasok sa work... Matapos ang konting stretching, e naligo na ako at baka ma-leyt pa ako... Medyo malamig ang tubig (pila ka adlaw man sab gud kong wa kaligo ug kaadlawon tungod sa akuang sakit). Iba pa ang tubig pag alas 4 ng umaga kasi puro chlorine, kaya ang tubig puting-puti...

Nakagawian ko na talang di maligo sa shower... Natakot na kasi ako nung una ng mag-shower ako, e may bulate na lumabas... Bumagsak sa ulo ko at sa katawan ko... Di ko alam kung galing ba talaga yung sa tubig galing sa shower or nabagsak lang yun from somewhere... Aaaahhh basta, simula nun, sa balde na ako naliligo... At least pag sa balde e nakikita ko yung tubig kung may dumi ba o wala...

4:55 na akong dumating sa station... Kasi nagpapalit-palit ako ng damit... May iba kasing damit na dumidikit sa apektadong part ng likuran ko... Sobrang sakit... Muntik na akong ma-leyt, wala pa naman ang partner kong si Inday Sinaw... Absent daw kasi ihahatid ang asawa niyang mag-aabroad...

Intro pa lang ng pangalan ko, dami na nagtetext pero di agad ako nakapagsalita kasi nagbrown-out... Ang malas nga naman...!!! Sinasadya ba patayin dahil papasok na ako?? Huhuhu... Kahilak man sab ang akuang unod oi??

Anyway, maganda naman ang takbo ng work ko eventhough wala yung partner ko... Kakainis lang kasi gusto ko sanang panoorin ang hiniram kong DVD (thanks PIE!), HEROES ang title kaso di ko mapanood kasi walang Power dvd ang mga computer here sa station... Hmmm... wala pa naman akong DVD player sa haybul ko... huhuhu!! Pano ko to mapanood? Sige, hanap ako way... Kailangan ko siyang mapanood bago kunin uli ni Pie... hehehe!

Haay! Pagkatapos kasi ng work ko, pag wala sa loob ng recording e dito lang sa office, ako lang mag-isa kaya eto, kumakain na nga lang ako ng Pringles na pinautang ni Dr. Love, habang nagta-type dito sa aking blog... Hmmm...

Sige na nga, pahinga muna ako at nahihilo na naman ako... Di kasi ako pwedeng magtagal sa harap ng kompyuter dahil nahihilo kaagad ako... Bawal na sa aking ang mapagod... Kailangan malakas palagi ang immune system ko para hindi babalik ang sakit ko...

Babalik ako mamaya 11 am to 1pm para sa Iring iring sa Love Radio...

Maraming salamat po sa lahat ng inyong mga prayers at sa lahat ng mga nagtetext... TENK U!!!

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home