Friday, August 15, 2008

Magtipid para sa kinabukasan

Bakit kaya ang tao hindi marunong makuntento? Aba, sapul na sapul sa akin toh!

These past few days, nakita ko ang aking sarili na walang pakundangan kung magwaldas ng pera. Well, hindi naman sa mayaman o marami akong pera, pero kapagka sweldo na hindi ko talaga mapipigilan ang aking sarili na gumastos.

Hindi naman ako dating ganito. In fact, nung nasa maynila ako, lahat ng pinagkakagastusan ko, nililista ko. Meron pa nga akong biniling malaking Notebook just for that. Malaki ang sweldo sa Call Center, pero dahil sa malaki rin ang babayaran ko sa renta ng bahay kailangan ko talagang magtipid, e tumira pa ako sa isang expensive na lugar, ang Makati. Kaya todo higpit talaga ako.

Pero ngayong balik probinsya na ako, di ko na mapigil ang sarili ko. Nakakalimutan ko na ang mga dapat gawin para makatipid. Akalain mo ha, pagpunta ko ng work, kasi maaga nga ako at 5am yung work ko, nagta-taxi talaga ako. Pag-uwi ko naman, di ko rin mapigilan ang sarili kong hindi magtaxi. Kaya sa transpo ko palang isang araw, isandaan na yun! Hahay!!

Pero nagtataka rin ako dahil hinding-hindi ako nauubusan ng pera. Kahit na pa-unti-unti yung pero pero at least may dumarating. Like for example ngayong araw, wala na akong perang pambili ng pagkain, kinahapunan meron na agad perang darating sa akin. Kaya malaking tulong talaga ang mga advertisers na nagpapagawa ng radio ad material.

Marami akong ka-kumpetensya pagdating sa paggawa ng mga radio ad material pero diskarte lang. Actually, super strict ako when it comes to accepting scripts. Kelangan, bayad muna at kung ano man yung rate ko kelangan yun ang bayaran nila. Kung di sila magbabayad ng ganun e di wala akong magawa kundi ipasa sa ibang DJ na siyang pwedeng gumawa ng kanilang material.

Lahat ng DJ's meron talagang rate para sa mga nagpapagawa ng commercial. Kaya para sa akin, dapat yun ang sundin nila. Kung di nila kaya e they have the prerogative naman to look for someone else na tingin nilang pwedeng makakagawa ng kanilang material.

Anyway, balik tayo sa pagiging waldas ko. Papaano ba to? Kailangan ko na talagang magtipid dahil marami akong binabayaran. Isang kwarto nga lang na inuupahan ko worth P2,500 na yun, hindi pa kasali ang tubig at ilaw. Nung isang araw, nagpakabet pa ako ng cable. hehehe... Sayang kasi ang TV na kung walang cable hindi talaga ako mag-eenjoy.

Sobrang magastos na ako... Kailangan ko na talagang magtipid...

Labels:

3 Comments:

At August 16, 2008 at 9:33 PM , Anonymous Anonymous said...

Madali lang yan...kumuha ka ng papel...hatiin mo sa dalawa,tapos lagyan mo ng importante at di importante.
and then,bawat bagay na isulat mo,lagyan mo ng reason kung bakit kailangan mo siyang unahin at di dapat unahin.
importante lang talaga ang reason,para mapaniwala mo ang iyong sarili,kung bakit kailangan mong magtipid.

 
At August 18, 2008 at 9:57 AM , Blogger rockiedee said...

thanks dabamehon..

you know I do appreciate every reply that you posted sa akuang mga gipang suwat suwat dire... hehehe...

Thanks a lot!

 
At August 22, 2008 at 9:55 AM , Blogger .. said...

This comment has been removed by the author.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home