Friday, September 28, 2007

PARA SA TAONG MULING NAGPAGULO NG AKING TAHIMIK NA MUNDO:

Maraming salamat sa magaganda’t masasayang karanasan, ala-ala at larawan ng ating pagkakaibigan. Hanggang sa ngayon ikaw ang nasa isip ko, ngunit ang lungkot at kasawiang bumabalot sa aking dibdib ay hindi matutumbasan ng kahit ano. Nagsisisis akong muli kong hinayaang lumubog sa kumonoy ng matatamis na sandali ang aking sarili. Kung mayroon man akong pinanghihinayangan, yaon ay ang makitang napunta sa wala ang samahang humabi ng ating kwento. Patawad para sa isang pagkakamaling minahal ka ng labis sa kabila ng katotohanang hindi ka na malaya.
Sa huling pagkakataon, nais kong malaman mong tunay at walang halong pagkukunyari ang pagmamahal na inialay ko sa iyo. Lagi kong ipagdarasal ang kaligayahan mo sa piling nya. Nawa lagi ka nyang iingatan.
Tandaan mong minsan sa isang yugto ng iyong buhay ay dumaan ang isang katulad ko. Naging padalos-dalos ako marahil, nagpanggap, at nagpumilit lumimot. Subalit sadyang mahal kita.Nais kong simulan ang bawat bukas nang wala ka sa aking sistema.
Ngayon nakatakdang maganap ang aking mahabang paglalakbay nang nag-iisa. Tuluyan kong ibabaon kasama ng pait na bumibikig sa aking puso ang pag-ibig na maaaring muling magdulot na aking pagkatalo. Ito ang araw na magtatakda ng kamatayan ng pagmamahal sa aking pagkatao. Panahon na upang tahakin ko ang daan para sa isang mahabang pagluluksa.

3 Comments:

At September 30, 2007 at 3:24 AM , Blogger Cat (Gladys Tordil) said...

Don't allow another person to dictate how you should live your life... Pikitenos are survivors in all of their lives' angles. You are a Pikiteno - keep the tradition of resilience alive and burning in you.

 
At September 30, 2007 at 9:09 AM , Blogger mitmit said...

to,
kabalaknon ba nimo oy!...wa nako damha!

 
At September 30, 2007 at 11:01 PM , Blogger rockiedee said...

grabeeee... karon lang gani ko kabalu nga kabawu pud diay ko mubalak...

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home