BORED SA TRABAHO
BORED KA NA BA SA WORK MO? ALAM MO BA KUNG ANO ANG DAHILAN AT NAWAWALAN KA NA NG GANA SA TRABAHONG YAN?
Marahil ikaw ay nababagot at nawawalan na ng ganang magtrabaho langga… Marami kasi sa atin ang may trabaho pero hindi naman nila gusto ang ginagawa nila.
Hindi lang kasi compensation o sweldo ang dapat mong tingnan bago ka maghanap ng trabaho langga. Dapat isa-isip mo rin na ‘ang trabaho bang ito ay nakakapagbigay sa akin ng satisfaction o tunay na kaligayan?
Sabi nga nila, you can never achieve real success unless you like what you are doing… Walang sinuman ang magiging successful sa isang trabahong kaylanman ay di niya ginusto… Don’t set compensation as a goal langga. Hanap ka ng trabahong gusto mo and the compensation will follow… The more you love what you are doing, the more successful it will be for you.
Kung nanjan ka na sa trabahong pinaka-ayaw mo at napipilitan ka lang, e mas mabuti pang maghanap ka na ng ibang work langga. Dahil hindi mo kailanman mahahanap jan ang tunay na kaligayahan.
Katulad din yan ng pagkuha ng kurso mo sa kolehiyo. Kung napilitan ka lang kunin ang kursong yan dahil sa dikta ng iyong mga magulang, ay siguradong hindi ka magiging masaya at minsan pa nga’y hindi ka na makakatapos ng pag-aaral.
Kaya dapat gawin mo kung ano ang gusto mong gawin na siyang makapagbibigay sau ng tunay na kaligayahan.
O ANO? BORED KA NA BA SA TRABAHO MO?
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home