Giyera sa Pikit
I thought it's all gone... It made me sad when I learned na may giyera na naman sa lugar kung saan ako namulat... Ang lugar na kung saan marami akong natutunan on how to stand and live independently...
Nakikita ko na naman ang mga hitsurang takot... Mga batang walang maayos na matutulugan at nakikipag-siksikan sa isang maliit na evacuation center...
Alam mo, kahit na ilang beses pang nagka-giyera sa Pikit, ang mga tao dun hindi nawawalan ng pag-asa... Dun mo makikita ang damayan... Ang pagtutulungan hindi nawawala... Ang mga kristiyano, nagkakaisa pati na rin ang mga muslim... Pero kahit na kalaban ng mga kristiyano ang muslim, always ready pa rin ang tulong ng mga ito sa mga muslim na evacuees...
Naalala ko pa dati, i was in elementary ng magka-giyera sa Pikit... Magulo... Sobra... Marami sa mga relatives ko ang apektado ng giyera because most of them nasa malalayong barangay pa nakatira kung saan apektado ng giyera ng mga rebeldeng MILF at ng mga sundalo...
Nung nagka-giyera, wala pa nanay ko, pumunta ng Iligan dahil merong Seminar sa Church namin... So, kami lang magkakapatid ang nandun sa Pikit... Pero with GOD's blessing and guidance, hindi nakaka-abot sa poblacion ang giyera... Nakikita pa namin dati ang mga helicopters na binobomba yung mga kalaban... Pag naririnig namin ang pagputok ng bomba, nagpapalakpakan pa kami... Sa isip kasi namin, wala nang mabubuhay pa sa ganung pambobomba...
Pagkatapos nung giyera, dumalaw pa si Tita Cory na siyang presidente pa noon... Sabi, hahanapan ng solusyon ang giyera...
Pero bakit kaya ganun noh? Kumpleto naman siguro ng training ang mga sundalo pero hindi pa rin nila matalo-talo ang mga rebelde... Ibig bang sabihin, mas magaling ang training ng mga rebelde kesa sa militar? Ibig bang sabihin, mas high tech ang mga kagamitan ng mga rebelde kesa sa sundalo? Paano na lang yung milyon-milyong budget na pambili ng mga baril? Paano na lang yung mga kagamitang binigay o ipina-utang ng iba't ibang bansa?
Bakit nga ba hindi matapos-tapos ang giyerang ito? Bakit nga ba laging may gulo? Ilang dekada na rin ang lumipas pero wala pa ring solusyon...
The past days, mayrong naisip na umanoy solution to the decades of fighting in Mindanao... They wanted to sign the MOA in Malaysia but due to some disagreements by the people affected, who were NOT consulted in any way, it was stopped by the Supreme Court... Good thing hindi natuloy... Siyempre most of us na lumaki sa North Cotabato we don't want to be a part of an Autonomous Government na pangungunahan pa ng mga dating lider ng rebeldeng grupo.
Nagkaroon na rin ng eleksyon noon kung saan boboto ang mga tao kung sasali ba sila sa Autonomous Region in Muslim Mindanao... Siyempre, most christians doesn't want to... Kaya they voted for NO... Kaya nga ang Pikit, bahagi pa rin ngayon ng North Cotabato... Kaso lang napapaligiran ito ng mga munisipyong bumuto ng YES para sa ARMM... So they wanted to include Pikit sa ARMM... Hahay, ayan na naman tayo...
Now that I've grown up, I realized how valuable my place is... That's where I learned to crawl, to walk and to talk... Dito man ako sa malayo at mas asensadong lugar nakatira ngayon, NEVER kung tatalikuran ang lugar na aking tinubuan...
After all these Years, It's time for us to stand up at isigaw ang kapayapaan sa kahit saan mang parte ng mundo...
Labels: war
2 Comments:
Kahadlok pud sa imong naagian rockiedee uy...
unsaon man gud ning atong kalibutan dili man mahimong perfect kung buotan lang ang naa diri...nakakambal man jud sa di maayo.
pero,kabalo man jud ta nga dili jud na mudaug ang dautan batok sa maayo.
mao bitaw nga pag mag-ampo ko...dili lang jud para sa akong sarili,kung dili para pud sa uban.
dabamehon,
ana jud... makalagot lagi ning mga taong lahi ug pangutok... ang gusto magkagubot jud...
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home